Tungo sa Liwanag

Halina, halina tungo sa liwanag
Liwanag, halina tungo sa liwanag
Liwanagan sana ang mga naglalakbay
Tungo sa liwanag

Sa paglalakbay, ilaw ang gabay
Sa paglalakbay, liwanag
Galing sa inyo, tungo sa inyo
pagnanais ko’y patungo

Kahit nasa kadiliman may liwanag sa daan
Laging nasa inyong kandungan kahit nasa kadiliman
Galing sa inyo, tungo sa inyo

Nakikita ko ang inyong anyo
dito sa ‘king kalooban
Nakikita ko ang pagkilos niyo
dito sa kapaligiran

Kahit nasa kadiliman may liwanag sa daan
Laging sa inyong kandungan kahit nasa kadiliman
Galing sa inyo, tungo sa inyo