Tunay

Lumulutang-lutang sa dagat
Yakap-yakap ng tubig maalat
Ang pagibig mo’y nalalasap
O kay payapa

Sa awitin mong mapaglikha
Bawa’t bagay ay tila himala
Sa buhangin ay kumikislap
Butil ng araw

Tunay nga sinta ako
Sa pag-ibig na ito
Tunay, tunay, tunay
Tunay sa ‘yo