Tubig

Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
Mahilig maglaro
Hindi mapalagay
Umaagos dumadaloy
At patalon-talon
Maririnig ang tawa
Sa ilog at balon

Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
Anyo'y pabago-bago
Hindi mapalagay
Hamog sa umaga
Singaw pag nainitan
Umaakyat sa langit
At nagiging ulan

Tubig tubig tubig tubig

Inumin pag nauhaw
Higupin pag sabaw
Pasok sa katawan
Bahagi ng laman
Hulog ng langit
Kilig ng palayan
Yakap ang mundo
Yapos ng kalikasan

Tubig tubig tubig tubig