Tingnan Niyo

Pitong libong isla sa dagat - arkipelago
batong basag, bansang buo
Animnapung milyong tao dito ay namumuhay
Minsa'y nagkaisa, minsa'y hiwa-hiwalay

Tingnan niyo tingnan niyo
ang lupang ito
basag na pangarap
sa sahig ng mundo
Tingnan niyo tingnan niyo
ang lupang ito
halina't pulutin
ang pira-piraso

Dalwang dekada ng dilim
ngayo'y lumipas na
ngunit may aninong natitira
Digmaang tahimik, digmaang pabulong, digmaang mapayapa
Halik ng tingga ay di madama

Tingnan niyo tingnan niyo
ang lupang ito
ang anak niyang magiting ang siyang nagtago
Tingnan niyo tingnan niyo
ba't ba ganito
sa kamay ng panday ay baril at punglo

O mga kapatid sa biak na bato
ilan pa ang papanaw nang bansa'y mabuo
halina't iwanan ang lumang digmaan
panibagong larangan ay ating subukan