Sariwang Hangin
sariwang hangin umihip ka
dahon ng puno’y dalhin mo na
sa kaibigang wala rito
naroon, naroon sa malayo
sariwang hangin umihip ka
ipaalala mo sa kanya
may punong-kahoy na naghihintay
sa dulo ng paglalakbay
at sa ilalim ng puno
may nagiisang nakaupo
sariwang hangin naglalaro
sa mga dahon nitong puso
at sa sanga sa tugatok
kay raming bunga nangaalok
sariwang hangin pitasin mo
ang mga bunga nitong puso
sariwang hangin umihip ka
bunga ng puso’y dalhin mo na
sa kaibigang sinisinta
hinihintay, hinihintay kita