Santwaryo
Kung korales ay sing-hugis
Ng pag-asa
At ang buhay ay sing-kulay
Ng isda
Saan pa nga ba
Magtatagpo ang dalawa
-buhay at pag-asa
Kung lambat na umaapaw ay
Sagana
Sa biyaya ng likas
Na pagsinta
Saan pa nga ba
Sisilong at magdaragsa
-buhay at biyaya
Sa Santwaryo - Sa dagat
Santwaryo - Sa puso
Santwaryo
Ng buhay at pag-asa
Santwaryo
Santwaryo - Ingatan
Santwaryo - Tanuran
Santwaryo
Ng buhay at pag-asa
Santwaryo
Kung korales ay sing-hugis
Ng pag-asa
At ang buhay ay sing-kulay
Ng isda
Saan pa nga ba
Magtatagpo ang dalawa
buhay at pag-asa
Sa Santwaryo - Sa dagat
Santwaryo - Sa puso
Santwaryo
Ng buhay at pag-asa
Santwaryo
Santwaryo - Ingatan
Santwaryo - Tanuran
Santwaryo
Ng buhay at pag-asa
Santwaryo