Pusong Bulalakaw
Pusong bulalakaw
gumuhit sa dilim
Sabay tayong kumapit
walang kinikimkim
Liwanag mo’t liwanag ko’y
biglang naging isa
nang pusong bulalakaw
ay nagpakita
Tahimik ang pagitan
sa unang pagtagpo
Di mabigkas
ang laman ng puso
Damdamin mo’t damdamin ko’y
biglang naliwanagan
nang pusong bulalakaw
ay namagitan
Tayo ay katulad niyang
punla ng langit
punla sa kalawakan
ng lupa
Sisibol, sisibol ba
binhing inihasik
bituing itinanim
ng bituin
Tayo ay katulad niyang
punla ng langit
punla sa kalawakan
ng lu - pa
Sumibol, sumibol ka
binhing inihasik
bituing itinanim
ng bituin
Pusong bulalakaw
sa ati’y nagbigkis
Tindi ng pagnanasa
ay ‘di na matiis
Ang init mo’t ang init ko’y
humanap ng daan
at pusong bulalakaw
ay isinilang