Puso ng Gabi

buksan mo ang iyong bintana at dumungaw ka
sa yakap ng takipsilim ano ang ‘yong nakikita
pinaghahandaan ng buong mundo
ang pagdating ng gabi

naguuwian na ang mga langay-langayan
upang magpahinga mula sa paghahanap-buhay
tulad ng ibon kita’y hihimlay
pagdating ng gabi

ang puso ng gabi ay salamin ng panaginip
at sa kalaliman niya kita’y pinagpalang sumilip
at kung hindi masakop ng isip ang iyong makikita
huwag magalala

huling sikat ng araw sa dagat ay natutunaw
at ang sinag buwan at ng mga tala’y lumilitaw
sa tanglaw nila kita’y maglalakbay
pagdating ng gabi (tayo na)

ang puso ng gabi ay salamin ng panaginip
at sa larangan niya sukdulan ang laya ng isip
at kung ikaw ay masilaw sa ningning ng ‘yong panaginip
ipikit ang ‘yong mata at yakapin sa dibdib
ang puso ng gabi