Pasasalamat

Dakilang manlilikha - narito po ako
Bunga ng pag-ibig sa palad ng mundo
Puso’y umaawit, awiting alay ko
Salamat sa Inyo

Salamat sa araw sa buwan at bituin
sa hayop at halaman, sa ulan at hangin
Salamat sa kaibigan at sa kapwa-tao ko
Salamat sa Inyo

Bawa’t sandali ng buhay ay ligaya
Bawa’t hininga ay tunay na biyaya
Bawa’t paghihirap ay may gantimpala

Dakilang manlilikha - narito po ako
Bunga ng pag-ibig sa palad ng mundo
Puso’y umaawit, awiting alay ko
Salamat sa Inyo