Pagsalok Ko sa Dagat
Pagsalok ko sa dagat
Ang huli ko’y sampu
Pagsalok ko muli
Siyam na lang ang huli ko
Walo, pito, anim, lima
Apat, tatlo, dal’wa, isa
Pagsalok ko minsan
Ay... wala
Gagawa ako ng bahay
Bahay ng isda
Nang may makapitan
Ang kinakain niya
Maraming mga sulok
Na puedeng itlugan
Nang sa ganoo’y dumami
Ang isda
Pagsalok ko sa dagat
Ang huli ko’y wala
Pagsalok ko muli
Milagro, may isa!
Dal’wa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam
Sampu…..
Kay rami na