Paalis na ang Barko sa Sta. Ana

Wala akong dalang mga maleta
Lahat ng damit ko’y suot ko na
Ang tangi kong bagahe ay gitara
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Nagkakawayan na ang mga tao
Paalam na, paalam sa inyo
May lumuluha, may tumatawa
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Ako’y may nakatabing magasawa
Mga anak nila’y nagkakalat
Nagsisigawan at nagtatakbuhan
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Ako’y may nakatabing isang lola
Uuwi na raw sa Calamba
Siyam na ang kanyang apo sa tuhod
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Ako’y may nakatabing isang babae
Nagdadalang-tao tatlong buwan na
Walang singsing na nakasuot sa daliri niya
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Ako’y may katabing isang sundalo
Uniporme niya’y kupas-kupas
Kaluluwa’y naiwan sa kabundukan
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Ako’y may nakatabing isang dalaga
Mukhang nalulungkot at nag-iisa
Ako’y lumapit at nagpakilala
At paalis na ang barko sa Sta. Ana

Siya raw ay nabigo sa pagibig
Ako’y nakinig sa kuwento niya
‘Di niya pansin na naghahawakan na kami ng kamay
Habang paalis na ang barko sa Sta. Ana

Nang aking pinaghandaan itong biyahe
Akala ko ako’y magiisa
Kay rami ko palang makakasama
Pag-alis ng barko sa Sta. Ana

Kaya mga kapwa kong makati ang paa
Huwag kayong matakot mag-isa
Tiyak na may kasama kang makikita
Pag-alis ng barko sa Sta. Ana