Organik
organik ang pag-ibig ko sa ‘yo
hindi genetically manipulated organism ako
hindi isang clone o anime ang nakikita mo
ako’y organik, organik
organik ang pag-ibig ko sa ‘yo
walang karburo o food coloring
ako’y hinog sa puno
walang herbicide o pesticide, walang fertilizer ako’y
organik, organik, organik, organik
at kung tayo ay mamasyal sa
virtual reality sa
ocean, rainforest at endangered specie
sa cable tv
remote control ko’y binitiwan na
ang channel mo’y di papalitan sa
aking mundo ikaw ang bio-diversity
chemical-free
organik ang pag-ibig ko sa ‘yo
hindi genetically manipulated organismo ako
hindi isang clone o anime ang nakikita mo
ako’y organik, organik
organik, organik
organik, organik
organik, organik