Nakita Kita
Nakita kita aking sinta
Nakita kita aking mahal
Nakita kita o giliw ko
Pagsilip sa ‘king puso
Nariyan ka lang pala sinta
Nariyan ka lang pala mahal
Hindi ka pala nalalayo
Pagibig ay naririto
Ang puno’y nagkukubli
sa gitna nitong binhi
‘Sang araw ay uusbong
buhay na nakakulong
Pagibig minsa’y ganito
tila bang nagtatago
nguni’t paglingon, aba
O kay tayog na pala
Sa ugat, lupa’t bato
patak ng ula’y nagtatagpo
Pagtipon ay tatagos
‘sang bukal, umaagos
pagibig minsa’y ganito
tila bang kulang sa ‘yo
nguni’t paglingon, aba
umaapaw na pala
Nakita kita . . .
Isang binhi at isa pa
Patak ng pawis sa lupa
Isang haplos isang halik . . .
Ang pagpunla’y pagtatali – i - ik
Nakita kita . . . .