Mukha
mukha mukha
may lihim na mukha
nagtatagu-tago
minsanan lang
ito nagpapakita
mukhang tagung-tago
sa pagibig
tayo’y naglalantaran
upang masilip
ang taong nilalaman
sa pagibig
maaaring masaktan
mukha’y inaalay sa ulan
sa pagibig
tayo’y natatauhan
matang nakapinid
ay biglang nabubuksan
sa pagibig
kalayaa’y natitikman
mukha’y inaalay
sa kalangitan
mukha mukha
may lihim na mukha
nagtatagu-tago
minsanan lang
ito nagpapakita
mukha . . .