Mirasol
bulaklak ng araw
sa silangan nakatanaw
di ka nasisilaw
sa pagbangon ng ilaw
mata mo ay iisa
nguni’t kataka-taka
mas marami kang nakikitang
liwanag
mirasol
kay lalim ng gabi
kami ay naghihintay
na makita ang liwanag
mirasol
kami ay katulad mo
kami ay nagdarasal
na makita ang
umaga
‘kaw ay nakatayo
sa balikat ng bundok
saksi ka sa pagsubok
ng katimugan
kulay ng ginto’t dugo
sa iyo’y naghahalo
saksi ka sa pagbangon
ng ‘sangkatauhan
mirasol
ano ang ‘yong nakikita
kami ba’y tumatawid
sa gilid ng umaga
mirasol
kami ay ipagtanggol
kami ay katulad mong
nakatutok sa silangan