Mga Ninuno

mga ninuno sa kagubatan
gabayan ang inyong angkan
nalilito at naliligaw
kung saan-saan
naghahanap ng kalayaan
ligaya’t kapayapaan
ilang laksang tagaraw na
ang nakaraan

ang mga puno’y ibinuwal
ilog at dagat ay sinakmal
nguni’t wala doon ang kasagutan
ang inang lupa ay hinukay
ginto at pilak ay hinalukay
nguni’t wala doon ang kasagutan

mga ninuno sa kagubatan
gabayan ang inyong angkan
nalilito at naliligaw
kung saan-saan
naghahanap ng kalayaan
ligaya’t kapayapaan
ilang laksang tagaraw na
ang nakaraan

mga agham pinag-unlad
ang karununga’y bumukadkad
nguni’t wala doon ang kasagutan
ang kabilugan ng buwan
linipad at tinungtungan
nguni’t wala doon ang kasagutan

mga sandata’y pinalaksan
nagdalubhasa sa digmaan
nguni’t wala doon ang kasagutan
magkapatid* nagka-away-away
pulang dugo nasa kamay
nguni’t wala doon ang kasagutan

mga ninuno sa kagubatan
gabayan ang inyong angkan
nalilito at naliligaw
kung saan-saan
ang kalikasa’y sinasamsam
ang kalawaka’y kinakamkam
ang kapwa tao’y itinakwil
nguni’t wala doon ang kasagutan
nguni’t wala doon ang kasagutan