Maglakad
tipo bang walang magawa
tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay
ganyan ang pirmeng nangyayari
pag laging nakakulong sa bahay
hindi sapat ang managinip na lang buong araw
di sapat ang magkamot na lang ng tiyan
ang tanging gamot sa kainipan ay
maglakad, maglakad sa lansangan
maglakad, maglakad - kay raming makikita
maglakad, maglakad - igalaw ang iyong paa
maglakad sa lansangan
isuot ang iyong sapatos, tsinelas o bakya
at kung ika'y ganahan - puedeng magpaa
at maglakad nang dahan-dahan, huwag kang maghabol
iyo ang panahon, easy lang
maglakad, pagmasdan - sari-saring mga hayop
mga manok na nagtatawiran, asong nagliligawan
pusang nagpapa-araw, naliligong kalabaw
kambing nagmemeriyenda, at marami pang iba
maglakad, pagmasdan - sari-saring mga tao
mga lolang nakatabako,
mga nagkukutuhan sa hagdan
mga lolong de baston,
mga batang walang pantalon
nagkekembutang mga dalaga,
at marami pang iba
maglakad sa lansangan - sariwain ang isipan
tanggalin ang iyong inip - luwagan ang ulong naninikip
maglakad, maglakad sa lansangan
maglakad, maglakad - kay raming makikita
maglakad, maglakad - huwag kang maghabol
iyo ang panahon, easy lang