Magkaugnay
lupa, laot, langit
ay magkaugnay
hayop, halaman, tao
ay magkaugnay
ang lahat ng bagay ay magkaugnay
magkaugnay ang lahat . . . . .
tayo ay nakasakay
sa mundong naglalakbay
sa gitna ng kalawakan
umiikot sa bituin
na nagbibigay-buhay
sa halaman, sa hayop
at sa atin
ang lahat ng bagay ay magkaugnay
magkaugnay ang lahat . . . . .
iisang pinagmulan
iisang hantungan
ng ating lahi
kamaganak at katribo
ang lahat nang narito
sa lupa, sa laot
at sa langit
ang lahat ng bagay ay magkaugnay
magkaugnay ang lahat . . . . .
lupa, laot, langit
ay magkaugnay
hayop, halaman, tao
ay magkaugnay
ang lahat ng bagay ay magkaugnay
magkaugnay ang lahat . . . . .