Lumad sa S'yudad
naglalakad sa kalye, sakay sa bisikleta
angkas sa motorsiklo, lumad sa s'yudad
nagbabantay ng kotse, nagmamaneho ng jeepney
natutulog sa bus, lumad sa s'yudad
tungo sa pupuntahan - opisina't pagawaan
pasok sa paaralan
tambay sa may tambayan
tungo sa kung saan-saan
nagbebenta sampaguita
bote dyaryo at marami pang iba
may negosyo, kumikita
lumad sa s'yudad
bili na kayo, bili na kayo
bili na, bili na, bili na kayo
bili na kayo, bili na kayo
bili na kayo, bili
magkano ba, magkano ba
magkano, magkano, magkano ba
magkano ba, magkano ba
magkano ba kayo
hooooo!
naghahanap-buhay, nagsusunog ng kilay
gumagawa ng paraan, lumad sa s'yudad
hanap-kaibigan, asawa, kasintahan
isang maaasahan - lumad sa s'yudad
tao'y sadyang ganito kahit saan tumungo
puso'y hindi isang bato kahit sa mundong semento
puso'y hindi mabibigo
mahal mo ba, mahal mo ba
mahal na mahal na mahal mo ba
mahal mo ba, mahal mo ba
mahal mo ba ako
ewan ko ba, ewan ko ba
ewan ko ba kung mahal kita
oo na nga, sige na nga, mahal
tao'y sadyang ganito kahit saan tumungo
puso'y hindi isang bato kahit sa mundong semento
puso'y hindi mabibigoto
naglalakad sa kalye, kaakbay ang kasama
nakangiti, nakatawa - lumad sa s'yudad
tungo sa pupuntahan - opisina't pagawaan
pasok sa paaralan
tambay sa may tambayan
tungo sa kung saan-saan
katutubo sa s'yudad
lumad sa s'yudad
katutubo sa s'yudad
lumad sa s'yudad