Lason

Nilason – nahilo
Hinuli – bagsak-palengke
Binenta – naibenta
Tinimbang, ibinalot, inuwi
Iniluto – ihinain
Sinubo, pinapak, tsinibog

Isdang hilo – taong hilo
Lason sa pagkain ay lalason sa kumain
Isdang hilo – taong hilo
Ang lason sa hinuli mo ay lalason rin sa iyo!

Kapag luma – i-embalsama
Maputla? – ‘e, di kulayan pa!
Pinasabog – at nadurog
‘wag ka lang magpahalata
Nang maluto – nang mahain
Maisubo, mapapak, matsibog

Isdang hilo – taong hilo
Lason sa pagkain ay lason sa kumain
Isdang hilo – taong hilo
Ang lason sa hinuli mo’y lalason sa iyong…

Pag-iisip – ba’t ka nagkaganyan?!
Tanda ng desperado ang ‘di tamang paraan
Itigil mo na ‘yang panlilinlang
Lason sa inani mo’y
Lason ng bayan

Isdang hilo – taong hilo
Lason sa pagkain, lalason sa kumain
Isdang hilo – taong hilo
Ang lason sa hinuli mo ay lalason rin sa iyo