Kung Kaya Mong Isipin
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa-isang hakbang lamang
at ika'y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa'y
nagmumula sa guni-guni
kung ang nais mo'y maging malaya
sa mundong puno ng panunupil
buhayin sa sarili ang malayang paraan
at sa araw-araw na pakikitungo
sa tahanan at lipunan
buhayin sa sarili ang malayang paraan
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa-isang hakbang lamang at ika'y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa'y
nagmumula sa guni-guni
kung ang nais mo'y maging payapa
sa mundong puno ng digmaan
buhayin sa sarili ang payapang paraan
at sa araw-araw na pakikitungo
sa tahanan at lipunan
buhayin sa sarili ang payapang paraan
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa-isang hakbang lamang
at ika'y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa'y
nagmumula sa guni-guni