Kundiman sa Ulap
kundiman sa ulap
wala nang pangarap
kundi magpalaki ng u -- tak
hanging nagtutulak
ulap umiiyak
ulang ipinatak
sa ibong lumilipad
sabay sa paghuni
ng simoy
nanana nanana nananana
sa lupang ito
buhangi’y kumakapit sa mata
mata’y namumula
tuwing maka-alaala
at sa paglabis
ng pag-iirog at pagmamahal
nabibigyang- buhay
ang kapaligiran
Hmmm
nanana nanana nananana