Ilog
ang buhay ko ay isang ilog
umaagos tungo sa laot
sa pagdaloy ay lumiliku-liko
nguni’t dagat pa rin ang inaabot
ang buhay mo ay isang ilog
umagos tungo sa laot
sa pagdaloy tayo’y nagkatagpo
at ngayon tayo’y magkaisang tungo
lilikha tayo ng bagong daan
uukitin sa bato ang kasaysayan
at walang hadlang na ‘di malalagusan
habang tayo ay magkaisang-tunay