Hitit-buga

ilayo mo sa akin yang sigarilyo

hitit-buga hitit-buga
ang baga mo'y nangingitim
hitit-buga hitit-buga
ang puso mo'y dumidilim
ang usok mo ay lason
ayokong langhapin
huwag mo akong idamay
dahan-dahang patayin
ilayo mo sa akin
yang sigarilyo

labas-pasok sa bibig
labas-pasok sa ilong
labas-pasok sa bibig
labas-pasok sa ilong
kay raming naiiwan
sa loob ng katawan
may nikotin may karbon
at kung ano pa diyan
ilayo mo sa akin
yang sigarilyo

patay-sindi patay-sindi
pagka’t hindi mapakali
patay-sindi patay-sindi
laging may yosing katabi
pagkatapos mong kumain
kasama sa kape
uutang sa tindahan
pag wala nang pambili
ilayo mo sa akin
yang sigarilyo

hitit-buga hitit-buga
laging kapos sa hininga
hitit-buga hitit-buga
ayaw mo na gusto mo pa
nasunog na ang kuwarta
pati ang katawan
habang di pa na-aadik
huwag mo nang subukan
ilayo mo sa akin
yang sigarilyo
ilayo mo sa akin
yang sigarilyo