Dagat ay Langit

Pag kalmada ang tubig
Nananalamin ang kalangitan

Sumisid sa linaw
At sa langit ka na lumulutang

Ang sarap
Ang gaan
Maging anghel

Ang dagat
Ay langit
At ang langit
Ay ito
Banayad at hinahon
Pagsisid, pag-ahon
Ang dagat
Ay langit
At ang langit
Ay ito
Banayad at hinahon
Pagsisid, pag-ahon

Pag kalmada ang tubig
Nananalamin ang Malikhain

Pagsisid sa linaw
Pagkatao’y magigising

Ang sarap
Ang gaan
Maging anghel

Ang dagat
Ay langit
At ang langit
Ay ito
anyo ng Malikhain
Sa pagkatao ko
Ang dagat
Ay langit
At ang langit
Ay ito
Anyo ng Malikhain
Sa pagkatao ko