Dabaw

bituin sa lupa
kumikislap sa kapatagan
nakikita kita
ngayon at tuwing gabi

ang iyong tanglaw
ay sintingkad
ng tanglaw ng bituin
sa ibabaw natin

Dabaw Dabaw

ang iyong lansangan
ay tahanan ng batang ulila
sa ‘yong estero
pangarap ay nakapunla

sa iyong mga looban
at pagawaan
inaaruga
ang kinabukasan
Dabaw Dabaw

ang iyong tanglaw ay aking gabay
tuwing maligaw sa piniling landas
sa himig mo ako’y sumasabay
saksi at kasapi
sa iyong pagliyab

sa iyong mga looban
at pagawaan
inaaruga
ang kinabukasan

Dabaw Dabaw
Dabaw Dabaw