Buwan, Buwan

buwan buwan
hugis duyan
ako’y hihimlay
sa ‘yong kandungan

buwan buwan
ngiti ng kalangitan
isang hiwang pilak
sa alkansyang kawayan

silayan itong tahanang munti
hawiin ang ulap sa langit
tingnan ang sanggol sa tabi ng ina
biyaya ng hatinggabi
luwalhati kahit pansandali

silayan itong abang manggagawa
pagod ang kat’wan at isipan
bigyan ng ginhawa, hat’dan ng pahinga
nag-iipon siya ng lakas
upang harapin ang bukas

buwan buwan
hugis duyan
ako’y hihimlay
sa ‘yong kandungan

buwan buwan
ngiti ng kalangitan
isang hiwang pilak
sa alkansyang kawayan