Bata-batuta

bata-batuta isang perang muta
‘di ka mahal ng mundo
Inulila’t iwinala
sino ang aangkin sa iyo

bata-batuta isang perang muta
saan ka nga ba nanggaling
‘kaw ba’y hulog ng langit
o bunga ng putik at lupa

magulang mo’y walang mukha
alaalang ibinaon sa semento
panaginip mo’y napupuno
ng ‘di nakikilalang mga tao

pagka’t kulang sa pag-ibig
ang kinaroroonang mundo
sa paglaki’y matututunan mong
manakit at manloko

nguni’t sa ibabaw ng lahat
ako’y pinahahanga mo
saan nakukuha ang lakas
makipaglaro sa aspalto

o bata-batuta
umasa ka’t mangarap pa
panahon lamang ang namamagitan
sa ngayon at sa bukas
at iyo ang bukas

bata-batuta isang perang muta
ikaw ang binhi ng buhay
sa taglay mong pangarap
ang bukas ay naghihintay
naghihintay
hmmm . . .