Bagong Hinirang

Nakikita mo ba
Sa bukang liwayway
Ang liwanag na sumilay
Sa ating paglisan
Pagasang wagas
At kaligayahan
Kalayaang umunlad
Sa bayang payapa
Sa tulay ng digmaan
Kita’y tumawid
Nagsumikap, nabuhay
At umibig
Tayo ngayon ay naririto
Mga dayong katutubo
At sa lupang bagong hirang
Kasaysaya’y pinapanday