Ang Pilipino ay tayo

pagmasdan ang bahaghari
supling ng araw at ulan
kulay niya ay sari-sari
mga bahagi ng isang kabuoan

tulad nito ang Pilipino
iba’t-iba ang kalinangan
lahi, tribo, pulo at probinsya
bahagi lamang ng isang bayan

ang Pilipino ay tayo
ang Pilipino ay tayo
pinagisa ng kasaysayan

ang Pilipino ay tayo
ang Pilipino ay tayo
narito ang ating lakas
sa pagkakaiba-iba
tahakin ang ating landas
sa pagkakaisa

ang Pilipino ay tayo
ang Pilipino ay tayo
ang Pilipino ay tayo
ang Pilipino ay tayo