Ang aking sadya
Ang hugis ng iyong katawan
Ay nakaukit sa aking mga palad
Mga salitang iyong ipinamukadkad
Ay mana – na - tiling sariwa
Hindi bulalakaw ang aking hinihintay
‘Ni bahagharing makulay
Hanap ko'y higit pa sa dalawa
Moog na ‘di masalakay
Ito ang aking sadya
Ang hanap ko'y ‘di dapat
Madala sa kung anong hangin
Kailangan mabigat
Sa lupa'y nakadiin
At kung dumating ang araw
Na sa lindol siya ay yanigin
Hindi siya tutumba
‘Di siya magpapatalo
Alon ng dagat ay aking sinakyan
Lalim nito'y sinubukan
Nguni’t ‘di mapantayan ng dagat
Ang lalim ng kalungkutan
Tayo'y nakakulong sa hawlang katawan
Pinipilit silipin ang kalangitan
Ang laman mo ba'y karagdagang piitan
O su - si ng kalayaan
Ito ang aking sadya
Ang hanap ko'y ‘di dapat
Madala sa agos ng panahon
Kailangan magaan
Lilitaw at makakapitan
At kung dumating ang araw
Na matutong lumipad
Kailangan sumabay
Sa kalawakan ay sumama