Bahala nang mabagal pa sa bisikleta
Bahala nang nauna pa yung naglalakad
Bahala nang walang ma-parkingan sa bahay
Gusto ko ng bagong kotse

Bahala nang magkautang-utang panghabambuhay
Bahala nang nalulustay ang gasolina ko
Bahala nang primera at segunda lang palagi
Gusto ko ng bagong kotse

At least malamig
Mukhang astig
Inggit ba kayo
Sa bagong kotse
Kong amoy bagong-gawa
May plastik pa galing sa pabrika

Inutang, inutang, inutang ko ito
Inutang, inutang, inutang ko ito
Bagong kotse, Bagong kotse, Bagong kotse

Kaya ko namang mag meditate pag nasa trapik
Kaya kong pigilin number 1 at number 2
Kaya kong magtiis sa hangin na recycled
Basta bagong kotse

Pag may masisingitan ay aking masisingitan
Makikipag-karera sa mga susó
Bubusina pag-asar sa ibang nagmamaneho
Basta bagong kotse

Namumukhaan ko na
Ang mga nagtitinda
Ng tubig at tsitsirya
Alam ko na
Kung saan nakatira
Yung mag-asawang taong-grasa

Ano kaya kung lahat tayo’y de-kotse
Tag-isa lang, tagalawa o tagatlo
Kahit saan may parking at kalsada
At puro bagong kotse

Nakangiti ang lahat ng mga drayber
Nakangiti ang mga pasahero
Kahit hindi umaandar ang trapik
Basta lahat bagong kotse

No downpayment
Easy installment
Fully-loaded
Rehistrado
Ingat pare
Baka masagi
Bagung-bago
Pa naman ito

Inutang, inutang, inutang ko ito
Inutang, inutang, inutang ko ito
Bagong kotse, Bagong kotse, Bagong kotse